Hinihikayat ng gobyerno ang mga turistang Hapon na bumisita na sa Pilipinas kasunod ng pagtamlay ng turismo dulot ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).
Sinabi ng Department of Tourism (DOT), nakapagtala lang sila ng 15,024 na turistang Hapon na bumisita sa bansa nitong 2021, mababa kumpara sa naitalang 136,664 na turista noong 2020 bunsod na rin ng paghihigpit ng gobyerno laban sa sakit.
Paliwanag ng ahensya, bago pa nagkaroon ng pandemya sa bansa ay nakapagtala sila ng682,788 Japanese tourist noong 2019.
Kumpiyansa naman ang gobyerno na babangon ang turismo ng bansa dahil sa pagbubukas muli ng borders nito noong Pebrero.
Sa datos ng DOT, nasa 65,080 na turista mula sa Japan ang pumasok sa Pilipinas mula Pebrero hanggang Oktubre ng taon.
Umaasa rin siPhilippine Embassy in Japan Chargé d’Affaires Robespierre Bolivar, tuluy-tuloy na ang pagdagsa ng mga Japanese tourist sa bansa.
"Over the last two years, you’ve seen the wonder of the Philippines," pagbibigay-diin nito.
"If you’ve been amazed by what you’ve seen in the promotional posters and videos, how much more awesome, unique and fun would it be to experience it up close and personal?" dagdag pa ni Bolivar.
Philippine News Agency