Direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Philippine Statistics Authority (PSA) na pabilisin ang pag-imprenta ng digital version ng Philippine Identification System (PhilSys) ID.

“Let us print out as much as we can and then isunod natin yung physical ID as soon as we can,” ani Marcos sa pakikipagpulong sa National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan at PSA opisyal nitong Martes, Disyembre 6.

Ang kapasidad sa pag-print ay tinalakay din sa naganap na pulong kung saan nabanggit ang mga isyung kinahaharap kabilang ang “late start of the flow of data and the volume of the data which is less than what is supposed to be.”

Naiulat sa Pangulo na maayos na ang daloy ng datos sa ngayon mula sa PSA hanggang sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Sinabi ni PSA Undersecretary Dennis Mapa na patuloy itong nakikipagtulungan sa BSP sa higit pang pagpapabilis at pagpapalakas ng volume ng Phil ID production at printing.

Nauna nang itinuro ng PSA head ang pagdagsa ng mga nagparehistro sa PhilSys para sa pagkaantala sa pag-imprenta ng mga national ID card.

Noong Oktubre, sinimulan ng PSA ang pagpapatupad ng naka-print na digital na bersyon ng Phil ID.

Sa pamamagitan ng naka-print na Phil ID, magagamit kaagad ng mga rehistradong tao ang mga benepisyo ng PhilSys, tulad ng mas mabilis at tuluy-tuloy na mga transaksyon sa pag-access sa mga serbisyong pinansyal at panlipunang proteksyon na nangangailangan ng patunay ng pagkakakilanlan, na napapailalim sa authentication.

Betheena Unite