Inaasahang tataas pa at papalo na sa mahigit ₱320 milyon ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58 sa susunod na bola nito sa Biyernes ng gabi, Disyembre 2.

Sa abiso ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nabatid na wala pa ring pinalad na magwagi sa ₱304,963,600.80 jackpot ng Ultra Lotto 6/58 na binola nitong Martes ng gabi, Nobyembre 29.

Wala kasi anilang nakahula sa six-digit winning combination na 38-55-26-32-20-09.

Gayunman, may 16 mananaya ang muntik nang maging multi-milyonaryo matapos na makahula ng tiglimang tamang numero.  Sila ay nakapag-uwi ng tig-P120,000 na second prize.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo. Samantala, batay sa jackpot estimates ng PCSO, papalo na rin sa higit sa ₱38 milyon ang jackpot prize ng Lotto 6/42 habang ₱15.8 milyon naman ang sa SuperLotto 6/49, na kapwa bobolahin sa Huwebes ng gabi, Disyembre 1.

Muli rin namang hinikayat ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlet at tumaya ng lotto upang magkaroon ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo.

Aniya pa, walang talo sa pagtaya sa lotto ang malaking bahagi ng kita ng PCSO ay napupunta sa kawanggawa.