Wala pang planong umangkat ng pulang sibuyas sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo nito sa merkado sa bansa, ayon sa isang opisyal ng Department of Agriculture (DA).

Paliwanag ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista sa panayam ng isang government-owned television station, nakatakda pang umani ng sibuyas ang mga magsasaka sa Disyembre.

Gayunman, sinabi ni Evangelista na titingnan muna nila ang volume ng maaaring iani ng mga magsasaka dahil makatutulong din umano ito sa suplay ng sibuyas sa bansa.

Sa pag-iikot aniya nila sa pangunahing pamilihan sa Metro Manila, itinitinda ang pulang sibuyas mula₱280 hanggang₱300 kada kilo.

National

Mga taong simbahan, dapat kasama sa mga laban ng bayan —Sister Mary John Mananzan

“Nakita na po natin 'yung pag-spike ng presyo ng pulang sibuyas. Ngayon kami ay nakikipag-ugnayan sa Bureau of Plant Industry (BPI) para makita natin ang supply situation, para makita natin ang kadahilanan ng pag- spike ng presyo,” banggit ni Evangelista.

Sa ngayon aniya, hinihintay pa nila ang report ng BPI na nagsagawa ng imbentaryo sa mga cold storage facility.

Ipinaliwanag pa ng opisyal, maaaring makabili ng₱200 kada kilo ng sibuyas sa mga Kadiwa stores sa Metro Manila at sa iba pang lugar sa bansa.