Umabot sa 8,004 na bagong kaso ng Covid-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa mula Nobyembre 14 hanggang 20.

Batay sa National Covid-19 case bulletin na inilabas ng DOH nitong Lunes, nabatid na ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 1,143.

Anang DOH,  mas mababa ito ng 12% kumpara sa mga kasong naitala nila noong Nobyembre 7 hanggang Nobyembre 13. 

Sa mga bagong kaso, dalawa lamang ang may malubha at kritikal na karamdaman. 

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Samantala, mayroon namang naitalang 93 na pumanaw kung saan 28 ay naganap noong Nobyembre 7 hanggang Nobyembre 20.

"Noong ika-20 ng Nobyembre 2022, mayroong 568 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa Covid-19," anang DOH.

Iniulat rin ng DOH na 2,358 ICU beds para sa mga pasyenteng may Covid-19, 493 (20.9%) ang okupado habang 4,796 (23.1%) ng 20,754 non-ICU Covid-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Mahigit na rin naman sa 73 milyong indibidwal o 94.38% ng target na populasyon ang bakunado na laban saCovid-19habang 20 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.

Sa kabilang banda, 6.9 milyong senior citizens o 79.46% ng target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.

"Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ngCovid-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1," ayon pa sa DOH.

"Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ngCovid-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster," dagdag pa nito.