TIAONG, Quezon -- Isang miyembro ng criminal gang na kumikilos sa lalawigan ng Isabela at nasa listahan ng most wanted sa regional level ang inaresto ng mga operatiba ng Quezon at Isabela police noong Martes, Nobyembre 15, sa Sitio Sala, Barangay Lumingon.

Sa ulat ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) kinilala ang suspek na si Michael Sinuto, 35, at kasalukuyang naninirahan sa nasabing barangay. Siya ay miyembro ng Tadeo Criminal Gang.

Sinabi sa ulat na ang pinagsanib na elemento ng pulisya ng Cauayan City Police Station, Isabela Police Provincial Office, Provincial Intelligence Unit-Isabela, Regional Intelligence Unit-Region 2, Isabela Provincial Highway Patrol Team, Regional Intelligence Team-Quezon-Regional Intelligence Division-4A, Regional Intelligence Unit 4A-Quezon, at Tiaong Municipal Police Station, isinilbi at ipinatupad ang warrant of arrest laban sa suspek.

Si Sinuto ay pinaghahanap sa Police Regional Office 2 (PRO2) para sa krimen ng pagpatay na may kasong kriminal na numero 40-12108 na inisyu ni judge Ariel M. Palce, presiding judge ng Regional Trial Court, Branch 40 sa Cauayan City, Isabel noong Disyembre 3, 2018, na walang inirekomendang piyansa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakakulong ang suspek sa Tiaong Custodial facility para sa kaukulang turn-over sa Cauayan City Police habang ang warrant ay ibabalik sa issuing court kasama ang naarestong akusado.