Matapos mabili ni Jakkaphong “Anne” Jakrajutatip, isang Thai transwoman billionaire, ang Miss Universe kamakailan, ilang pagbabago ang aasahan ng pageant fans mula sa prestihiyusong brand.

Basahin: Anne Jakrajutatip, ang Thai multi-billionaire transwoman at bagong may-ari ng Miss Universe – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kabilang dito ang planong gawing regular host country ang Thailand “ideally [in] every two or three years” ng Miss Universe pageant.

Maliban sa Pilipinas, kilalang sikat at malaking sports event ang turing sa tinaguriang “beauty Olympics” na Miss Universe sa Thailand.

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

Sa katunayan, lagging halos parating magkaribal sa kaliwa’t kanang beauty pageants ang Pilipinas at Thailand sa rehiyon ng Asya.

Matatandaan din ang hinangaang 2018 Miss Universe edition sa naturang bansa kung saan kinorohanan bilang Miss Universe 2018 ang Pinay beauty queen na si Catriona Gray.

Anang JKN Global Group Public Company Limited (JKN), ang pagbili sa global organization ay maghuhudyat din ng transpormasyon sa negosyong nakasentro sa pagsuporta sa paggamit ng copyright and copyright management mula sa licensing ng Miss Universe brand hanggang sa pag-oorganisa ng mga national pageant.

Basahin: Isang Thai media mogul, nabili ang Miss Universe sa halagang P851M – report – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“The company plans to bring the Miss Universe brand to help strengthen the e-commerce business in various product groups both dietary supplements beverage products. Personal products such as skin care products, cosmetics, and lifestyle products to create growth for the said business group in the future as well,” anang Chakrapong Chakrajutathip, Chief Executive Officer and Managing Director ng JKN Global Group Public Company Limited kamakailan.

Samantala, naniniwala si Miss Universe Philippines National Director Shamcey Supsup na mapapanatili ng bagong may-ari ang prestige ng brand gayundin ang patas na pagpili nito sa susunod na reigning queen.

Taong 1952 nang itatag ang Miss Universe pageant. Ang titleholder na si Harnaaz Sandhu mula India ang kasalukuyang may hawak ng korona.

Sa darating na Enero 2023, nakatakdang ganapin ang Miss Universe 2022 sa New Orleans, Louisiana sa Amerika.