Ibinahagi ni Megastar Sharon Cuneta na niregaluhan niya ang anak nilang lalaki ni dating Senador Kiko Pangilinan na si "Miguel Samuel Mateo Pangilinan ng isang old-type na Nokia cellphone na may keypad pa, para sa ika-13 kaarawan nito.

Ayon kay Mega, dalawa ang pagdiriwang ng kaarawan ni Miguel. Aniya pa, lahat daw ng kaniyang mga anak ay nagsimula sa pagkakaroon ng simpleng cellphones, kagaya ng regalo niya kay Miguel.

"Someone is turning 13 on Oct.29 (and 27.😂 He likes “having two birthdays!”) and got a new, simple phone! All my kids started with simple cellphones!"

"Look how happy he was to finally get one!" bida ni Mega sa kaniyang Instagram post nitong Martes, Oktubre 25.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Marami naman sa mga tagasuporta ni Sharon ang nagpaabot ng pagbati para kay Miguel.

"Wonderful! I gave my son my brother’s old iPhone 5 last March and I bought him a prepaid line where he learns to budget his calls/ text and data. He’s on his last year in Middle School. Here’s hoping they will learn from this experience."

"Binata na… happy birthday!"

"Happy Birthday, Miguel!"

Nagbigay rin ng pagbati sa kaniya ang TV5 news anchor na si Christine Bersola-Babao, misis ni dating ABS-CBN news anchor at ngayon ay nasa TV5 na rin, na si Julius Babao.

"Happy bday my fellow scorpion Miguel! 🎂 Me naman on October 30"

Sa kabilang banda, hati naman ang naging reaksiyon at saloobin ng mga netizen tungkol dito, batay sa comment section ng iba't ibang mga online newspapers na nagbalita tungkol dito.

Naungkat ng ilan ang pagbili ng mga mamahaling gamit ni Mega sa Louis Vuitton nang "ipagtabuyan" siya sa Hermes store sa South Korea, na nabalita hindi lamang dito sa Pilipinas, kundi maging sa mismong bansa.

"May pambili ng sinturon at iba pang designer items pero ang regalo sa anak, simpleng cellphone?"

"Mega, pa-reveal naman ng tunay na regalo, iPhone no?"

"Mahirap nga lang kami 1st phone ng anak ko iPhone. Yan pa kaya na (dating) senador ang tatay and milyonarya at sikat ang nanay? Sino niloko n'yo? Kwento n'yo sa pagong."

"How is that a good parenting skill, when the mother herself spent hundreds of thousands on an expensive brand because she got refused service from another one??!!! Grape."

Sa kabilang banda, may mga netizen din ang sumaway sa mga ito.

"Bakit hindi na lang kayo maging masaya sa bata? Kayo ba gumastos? Ang totoxic ng mga tao. Kung yung bata nga hindi nagreklamo, kayo pa na nakikibasa lang?"

"Naku kung manlait kayo kay Sharon akala n'yo mga mayaman at may narating sa buhay. Hindi siya tinawag na Megastar na basta lang! Hindi siya milyonarya, si Sharon ay bilyonarya lang! Eh kayo? Hanggang I-N-G-G-IT lang!"

"Dami kong tawa sa mga nandito… mga katumbas ng isang kilong ampalaya."

"If Sharon spent a good amount for herself she deserves it.., now that's how she molds her son… huwag kayong judgmental!"

"Yung naiinis dahil papansin daw just leave it to her wag n'yo pansinin para di kayo ma- stress, kasi negative or positive comment just means na relevant siya kaysa sa inyo."