Itinurn over ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles sa Mandaluyong City local government unit (LGU) ang lotto and small town lottery (STL) share na may halagang P2,789,002.13 nitong Biyernes, Oktubre 14.
Ang cheke ay personal na tinanggap ni Mandaluyong City Mayor Benjamin S. Abalos.
“This money that you have just donated to us would go a long way,” ani Abalos sa kaniyang panayam sa PCSO.
Present din sa turnover event sina National Capital Region Department Manager Eufracio Fufugal Jr. at Charity Assistance Department Manager Marissa O. Medran.
Bukod sa Mandaluyong LGU, nakatanggap din ang Las Piñas City LGU ng lotto and STL share mula sa ahensya na may halagang P3,230,026.59 noong Oktubre 4.
Tinanggap naman ni Mayor Imelda Tobias Aguila ang cheke.
Noong Agosto 10, itinurn over din ni Robles ang P16,305,342.79 halaga ng cheke sa Quezon City LGU na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte.
Ang halagang ito ay mula sa kita ng PCSO mula sa lungsod noong Enero hanggang Hunyo 2022.
Noong Agosto 8, nagbigay rin ng cheke si Robles kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro na may halagang P2,699,755.55 at halagang P3,516,605 naman kay Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano.
“Pursuant to Executive Order No. 357-A, a five (5%) percent share from the thirty (30%) percent Lotto Charity Fund shall be granted to Local Government Units where lotto tickets are sold,” anang PCSO.Luisa K. Cabato