Sa pagsisikap ng Cainta municipal government na protektahan ang populasyon laban sa Covid-19, magsasagawa ito ng limang araw na pagbabakuna mula sa Lunes, Setyembre 26, hanggang sa Biyernes, Setyembre 30. 

Tatawagin itong "Bakunahang Bayan Pinaslakas Special Vaccination Days," na gaganapin sa One Arena ng bayan mula alas-otso ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.

Ayon sa tanggapan ni Mayor Elen Nieto na ang limang araw na special vaccination day ay para sa mga hindi pa nababakunahan, second dose, at first and second booster shots. Ito ay bahagi ng programa ng Cainta Health Office sa pamumuno ni Dr. Edgardo Gonzaga sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH).

Ang mga nais magpabakuna ay ay dapat magdala ng kanilang vaccination card at valid ID.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nel Andrade