Nagpasyang palalakasin pa ng Pilipinas at Republic of Korea (ROK) ang kanilang maritime cooperation ng mga ito.

Ito ang napagkasunduan ng dalawang bansa sa isinagawang maritime dialogue sa Busan, ROK nitong Setyembre 21.

Kabilang sa dumalo sa talakayan sina Assistant Secretary for Maritime and Ocean Affairs Maria Angela Ponce, PHAmbassador Ma. Theresa Dizon-de Vega, at Director General for ASEAN and Southeast Asian Affairs Bureau Cecilia JungngKorean Ministry of Foreign Affairs.

Nilinaw ni Ponce, layunin ng kasunduan na mapalawak pa ang suporta at kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Paglilinaw naman ng Department of Foreign Affairs (DFA), tinalakay din sa kasunduan ang pagtutulungan samaritime domain awareness, marine environment protection atocean economy.

Inilatag din ng dalawang bansa ang kahalagahan ng UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea) bilang patnubay sa anumang pangkaragatang aktibidad para safreedom of navigation.

Inilatag ang kasunduan kasabay ng ika-75 anibersaryo ng bilateral agreement ng Pilipinas at Korea.