Isa sa mga napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Dyosa Pockoh ang umano'y kumakalat na tsikang hiwalay na ang mag-asawang Heart Evangelista at Senador Chiz Escudero, at ang nakawiwindang na dahilan daw at hanggang ngayon ay hindi pa humuhupa, may naanakang ibang babae raw ang mister ni Heart.

Lumutang ang espekulasyong may pinagdaraanan ang Kapuso actress-socialite nang dumalo ito sa GMA Thanksgiving Gala Night noong Hulyo. Bagama't magkasama naman sila ng mister, bakas daw sa kaniyang mga mata ang kalungkutan, sa kabila ng kaniyang mga ngiti.

Mas lalo pang lumutang ang mga alingasngas nang tanggalin ni Heart ang apelyidong "Escudero" sa kaniyang Instagram profiel, subalit sa Twitter naman ay naroon pa rin.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/10/may-wife-pa-rin-naman-mga-netizen-kampante-pa-rin-sa-pagtanggal-ni-heart-sa-surname-ni-chiz-sa-ig/">https://balita.net.ph/2022/08/10/may-wife-pa-rin-naman-mga-netizen-kampante-pa-rin-sa-pagtanggal-ni-heart-sa-surname-ni-chiz-sa-ig/

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

"Kailangang ma-verify 'yan, dahil 'yan ang kumakalat… na nakabuntis nga raw itong si Chiz," sey ni Ogie. Ibinahagi pa nila ang isang mapanumbat na tweet ng isang netizen noong Agosto 31, na nagsasaad na "Sinuway ni (burado) ang magulang niya para lang sa'yo, ano sinukli mo, nambabae ka at inanakan ang secretary mo, wala kang kuwentang tao."

Nailahad naman ni Mama Loi ang kumakalat pang tsika na may nakakita raw sa mister ni Heart na may kasamang ibang babae sa isang high-end club/bar, sa bandang Bonifacio Global City o BGC sa Taguig.

Sumundot naman si Ogie ang isa pang haka-hakang kesyo ayaw daw ni Heart na maging preggy, mapanatili ang pagiging sexy, dahil hindi pa siya handang maging nanay.

"Kaya sa iba raw muna nagpunla…" aniya pa. "Ito lang yung mga nababasa namin ha. Pero syempre, importante pa ring marinig natin galing mismo kay Heart at kay Chiz kung gaano katotoong nakabuntis nga itong si Chiz sa ibang babae. Kaya ganoon na lamang kalungkot itong si Heart," pagpapatuloy pa ni Ogie.

Sumang-ayon naman dito si Mama Loi, lalo't marami na ring nakapapansing kakaiba ang mga post at content ng vlogs ni Heart. Kamakailan nga lamang ay inamin ni Heart na may pinagdaraanan siya, bagama't hindi niya tinukoy kung ano ito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/04/pahiwatig-na-raw-heart-inaming-may-pinagdadaan-im-in-search-of-just-being-happy/">https://balita.net.ph/2022/09/04/pahiwatig-na-raw-heart-inaming-may-pinagdadaan-im-in-search-of-just-being-happy/

Nasabi naman din ni Ogie na hindi na umano suot ni Heart ang kaniyang wedding ring, bagay na itinatwa naman ni Mama Loi dahil hindi naman daw niya ito napansin.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/30/very-empty-youtube-subscribers-ni-heart-evangelista-may-napansin-sa-latest-vlog-ng-aktres/">https://balita.net.ph/2022/08/30/very-empty-youtube-subscribers-ni-heart-evangelista-may-napansin-sa-latest-vlog-ng-aktres/

Hindi na raw napagkikita ang dalawa na magkasama sa vlog, o sa iba pang lugar.

"Espekulasyon ng marami eh baka nga raw totoo, na wala na si Heart at si Chiz," sey pa ni Ogie.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang mag-asawa tungkol sa isyung ito.