Sabi nga, hindi hadlang ang edad sa pagtatamo ng edukasyon!

Viral ngayon sa social media ang isang 30 anyos na tatay, matapos niyang mag-enrol bilang Grade 1 upang matutukan at masabayan sa pag-aaral ang kaniyang anak na kindergarten pa lamang.

Mapapanood sa TikTok video ni @annebonitaaaa ang pagkausap ng guro kay Rizaldy Absalon mula sa Sarangani, na nag-enrol sa Grade 1 para sabayang matuto ang anak na nasa kindergarten. Aniya, "no read no write" umano siya, at kailangan pa ng patnubay kung kailangan niyang pumirma o sumulat para sa isang dokumento.

Ayon sa panayam ng guro, nagtatrabaho raw ang kaniyang misis at siya ang nag-aalaga sa kanilang anak.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Mula sa TikTok account ni @annebonitaaaa

Mula sa TikTok account ni @annebonitaaaa

Umani naman ito ng iba't ibang positibong reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"God bless po kuya, laban lang! Kaya mo 'yan!"

"Don't judge him please!"

"It's never been too late for education."

"So proud of you Kuya!! Laban lang po! God bless."

"Nakakabilib yong ganitong tao👏 hindi hadlang ang edad para matuto sa pag-aaral. Galingan mo kuya💪 yan ang kayamanan na hindi mananakaw sa'yo♥️."

"Let's go! It's never too late to learn. I'm so amazed, his age didn't stop him from starting again 🤍🤍🤍🤍 rooting for him all the way, go get that dream!"