Na-hire si Atty. Chel Diokno sa Capiz campus ng satire university na 'International State College of the Philippines' bilang dean ng College of Law nito. 

"Let us welcome Atty. Chel Diokno, Dean of ISP CAPIZ College of Law," ayon sa Facebook page ng ISCP-Capiz.

Nag-react naman ang Human Rights lawyer sa anunsyong ito.

"Akala ko sa College of Dentistry ako mahihire!" sey nito sa kaniyang Twitter account nitong Martes, Agosto 16.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

https://twitter.com/ChelDiokno/status/1559369265320366081

Kalaunan, pinalitan ng satire university ang kanilang caption sa post.

"(As per request of Dean Chel) Let us welcome Atty. Chel Diokno, Dean of ISCP CAPIZ College of Law and ISCP CAPIZ College of Dentistry."

Ikinatuwa naman ito ng mga tagasuporta ni Diokno na tinatawag niyang "CHELdren."

AngInternational State College of the Philippines ay hindi nag-eexist sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Ito ay ginawa lamang bilang katuwaan.

Samantala, kamakailan ay nabiktima ng ISCP ang TV host na si Kuya Kim Atienza. Akala kasi niya ay totoong unibersidad ito.

“This is a scam, I am not in any way connected to this university if ever there is one. Be careful FB fam,” ani Atienza.

“That’s satirical po,” komento ng isang netizen.

“Are you sure? They are taking in enrolment online,” sagot naman ng TV host.

“That school/university does not exist po. That page was created for fun lang po,” mariing reply ng netizen.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/08/05/kim-atienza-nabiktima-ng-satire-page-this-is-a-scam/