Gagawin ng Pinay weightlifting star na si Hidilyn Diaz ang lahat para muling masungkit ang medalya para sa Pilipinas sa nalalapit na 2024 Paris Olympics bago opisyal na magretiro.

Binalikan ng kauna-unahang Olympic gold medalist ng bansa ang kaniyang unang Olympic medaly noong 2016 Rio Olympics.

“I can still remember how magical that day was, how God surprised me with a Silver medal 🥈 when I was just aiming for a Bronze🥉, it was one of the proudest moments of my life,” mababasa sa liham ni Hidilyn sa minahal na sports nitong Linggo.

Dalawang taon mula ngayong araw, muling iwawagayway ni Hidilyn ang Pilipinas sa inaabangan nang 2024 Paris Olympics.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nauna nang ipinagpaliban ng bagong kasal na si Hidilyn at kaniyang coach-husband na si Julius ang kanilang honeymoon para paghandaan ang huling bira ng weighlifting champion.

Basahin: Hidilyn, Julius, ipinagpaliban ang honeymoon, todo-ensayo na muli ilang araw matapos ikasal – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Itabi muna natin ang honeymoon, we only have 730 days left. Kahit mahirap, even though I do not need to prove anything, gusto ko pa rin gawin ang lahat ng makakaya ko para sa Weightlifting at sa Pilipinas,” saad ni Hidilyn.

Sa tulong ng Team HD, buo ang tiwala ng atleta na muli niyang maiuuwi ang medalya para sa Pilipinas.

Tila desido naman na si Hidilyn na magretiro at bumuo ng pamilya pagkatapos ng kaniyang Paris Olympic bid.

“I am manifesting this dahil ito ang gusto ko at weightlifting ang nagpapasaya sakin. Samahan ninyo ako sa aking desisyon to go for my#LastLift.#TeamHDwill be with me throughout the whole process pero kailangan ko ang suporta at dasal ninyong lahat,” sabi ni Hidilyn.

Determinado si Hidilyn na pag-igihan ang kaniyang huling laban para sa Pilipinas.

Basahin: Hidilyn Diaz, handang iwan ang maningning na karera para bumuo ng sariling pamilya – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid