Iniulat ng OCTA Research Group nitong Linggo na tumaas pa at umabot na sa 15% ang positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila, habang 14 na lalawigan pa ang nakapagtala ng “very high” na positivity rate na lampas above 20%.
Sa datos na ibinahagi ni OCTA Fellow Dr. Guido David sa kanyang Twitter account, nabatid na mula sa dating 14.2% lamang noong Hulyo 23, naging 15% na ito noong Hulyo 29.
Mayroon rin aniyang 14 na lalawigan ang nakapagtala ng very high na positivity rates na lampas sa 20%.
Nabatid na ang Albay ay nakapagtala ng positivity rate na 25.4% noong Hulyo 29 mula sa 14.2% lamang noong Hulyo 23.
Ang Isabela ay nakapagtala ng positivity rates na mula 25.7% ay naging 36.3% habang ang Quezon na dating mayroon lamang na 16.3% ay naging 27.5% na.
Ang iba pang lugar na nakapagtala rin ng “very high” positivity rates ay ang Cagayan (22.7%), Camarines Sur (28.4%); Cavite (27.1%), La Union (20.9%); Laguna (30.9%); Nueva Ecija (25.8%); Pampanga (23.2%); Pangasinan (21.0%); Rizal (21.7%); Tarlac (31.6%) at Zambales (27.2%).