Sa pinakahuling Showbiz Updates ni Ogie Diaz kasama si Mama Loi nitong Linggo, Hulyo 24, natalakay ang umano’y parinigan ni Bayani Agbayani at Vice Ganda.

Basahin: Umano’y pagpaparinig ni Bayani sa pag-o-overtime ng ‘It’s Showtime’ sa TV5, pinalagan ni Vice? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Aminadong ‘di nakakausap ang parehong personalidad, may saloobin ang talent manager sa usapin.

“Pero alam mo ba, Loi, ‘yang mga parinigan nila sabihin mo nang hindi maganda ‘yan na nagpaparinigan sila kasi nga ‘di ba parang mag-back to back kayo tapos nag-aaway kayo. Hindi maganda ‘yan sa paningin ng iba,” pagsisimula ni Ogie.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Kung kailan pa sila nagsama saka pa nagkaroon ng mga hard na parinigan,” hirit ni Mama Loi.

Gayunpaman, nakikita naman ni Ogie positibo ang patutsadahan para sa parehong programa.

“Pero ‘yung pag-uusapan ang rating game ay ‘yan makakatulong yan. Macucurious ‘yong mga tao,” sey ni Ogie.

Natatawang biro pa ng talent manager, “’Di na dapat sabihin na pangit. Magparinigan kayo nang magparinigan hanggang sa mabingi kayo lahat, para may maibalita kami rito.”

“Okay lang na magparinigan. For as long hindi sila lumalagpas sa guhit at they don’t go overboard,” dagdag na paalala naman ni Ogie.

May kinalaman nga ba si Direk Bobet Vidanes sa umano’y parinigan ng kaniyang host na si Bayani at dating talent na si Vice?

Ito ang sunod na tanong ng tandem na bigo namang nasagot ni Ogie at Mama Loi.

Si Direk Bobet Vidanes ang tumayong orihinal na direktor ng It’s Showtime mula 2009 bago mag-ober-da-bakod sa Kapatid Network at pangunahan ang Tropang LOL noong Nobyembre 2020.

Gayunpaman, isang teyorya ang nabuo ng talent manager sa naging pahayag ni Bayani, na aniya’y maaaring hindi direktang patama para sa It’s Showtime o kay Meme Vice.

Ani Ogie, maaaring para sa netizens ang naging pahayag ni Bayani na nagpaparatang sa kanilang lumapagpas sila sa kanilang oras dahilan para late na pumasok ang It’s Showtime.

“But the truth is, 11’oclock up to 12:45 [pm] ang [Tropang] LOL, na dati 12 [pm]-2 [pm], so two hours [noon]. Ito ngayon, 1 [hour] and 45 [minutes], hindi sila nag-o-overtime. Kasi baka feeling nila hanggang 12 [pm] lang ‘yun...feeling daw ng ilang fans, sumosobra sila,” ani Ogie.

Nanatiling dedma si Bayani sa anang netizens ay patutsada ni Vice noong nakaraang Sabado.