Nahawaan ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) si Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Ito ang isinapubliko ni Remulla nitong Linggo.

Paglilinaw ni Remulla, natuklasang nagpositibo ito sa sakit nitong Huwebes (Hulyo 7).

Kabilang si Remulla sa mga dumalo sa Cabinet meeting ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Malacañang nitong Martes, Hulyo 5.

National

Erwin Tulfo, tatakbo raw na senador sa 2025 dahil kay PBBM

Paniniyak naman ni Remulla, hindi malubha ang sintomas nito sa sakit.

Tiniyak pa nito na susunod siya sa protocol kaya sasailalim ito sa pitong araw na self-isolation.

Matatandaang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nag-positive sa Covid-19 si Marcos nitong Biyernes, Hulyo 8.

PNA