Matapos makaligtaan ang proklamasyon, tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na makadalo sa inagurasyon ng kaniyang anak na si Sara Duterte bilang ika-15 Pangalawang Pangulo ng Pilipinas.

Ang pagdalo ni Duterte sa seremonya sa Davao City ay kasabay ng Father's Day at anibersaryong kapanganakan ni Dr. Jose Rizal, ngayong Hunyo 19.

Ang inagurasyon ay nagsilbing ding reunion para sa outgoing president at sa kaniyang unang asawa na si Elizabeth Zimmerman, ina ni VP-elect Sara Duterte.

Sinaksihan din ng dalawa ang panunumpa ng kanilang anak kay Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando. Pagkatapos manumpa ay niyakap ni VP-Elect Duterte ang kaniyang mga magulang. 

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang outgoing Davao City Mayor ay nakakuha ng majority vote noong May 2022 national elections.

Bukod sa pagiging susunod na Bise Presidente, manunungkulan din si Duterte bilang susunod na kalihim ng Department of Education (DepEd) matapos tanggapin ang imbitasyon ni President-elect Marcos, Jr.