Dedma na lamang daw ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes sa mga natatanggap na maaanghang na komento at talak mula sa bashers at trolls niya, simula nang magpahayag siya ng saloobin sa mga ganap sa halalan galore at magpahayag naman ng pagiging Kakampink.
Sa panayam ng showbiz columnist na si Ogie Diaz kay Blythe, inamin niyang mas nawiwindang at natetensyon pa siya sa laro ng jowang si Ricci Rivero sa UAAP kaysa sa mga ipinupukol sa kaniya ng mga nagagalit na netizen na affected-much sa mga ispluk at sey niya sa buhay.
Pinatibay na rin daw ang sikmura niya ng panahon, lalo't bata pa lamang ay nasa showbiz na siya.
Ang latest nga sa mga birada ng bashers sa kaniya ay pinapatanggal siyang endorser ng isang beauty product.
"Hindi naman po sa manhid, it's just that hindi lang po ako naaapektuhan sa kanila. Lalo na siyempre parang more than 10 years na po ako sa industriya kaya sanay na sanay na po ako. Hindi naman sa manhid, nasasaktan pa rin naman ako it's just that this time, hindi talaga po nakakaapekto sa akin," aniya.
"UAAP ang nasa utak ko the whole time. Iniisip ko talaga, gusto ko lang manalo ang UP. Iyon talaga 'yung ini-stress ko po," esplika ni Andrea.
Proud gf nga ang dalaga matapos masungkit ng UP Fighting Maroons ang pagiging kampeon sa men's basketball championship makalipas ang 36 taon.
Kaya naman todo-flex ang lola n'yo kay Ricci sa kaniyang socmed accounts.