Pinoproblema na ng gobyerno kung paano mapondohan ang health insurance ng mga college students na lalahok sa face-to-face classes sa bansa.
Binanggit ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III nitong Biyernes na naghahanap pa rin ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Department of Budget and Management (DBM) ng pondo para sa nasabing insurance policy ng mga estudyanteng 21 taong gulang pataas.
Ang mga estudyante aniyang 21-anyos pababa ay awtomatikong dependents ng kani-kanilang mga magulang na miyembro ng PhilHealth.
"Problema, iyong 21 years and above. Iyon ang hinahanapan ng PhilHealth at saka ng DBM ng pondo para ma-enroll sila," pahayag ni Duque sa isang pulong balitaan.
"Hinanapannga ngPhilHealth ng pondo paramailista,maisamasila sa National Health Insurance Program. Hindi na po sila dependents ng kanila pong mga magulang... Iyan din naman ang mandato sa ilalim ng Universal Healthcare Law na lahat ng Pilipino ay maging miyembro ng PhilHealth," dugtong ng opisyal.
Pinayuhan naman ni PhilHealth Spokesperson Shirley Domingo ang mga estudyante na makipag-ugnayan sa kani-kanilang eskuwelahano sa opisina ng PhilHealth para kanilang insurance application.
Matatandaang inihayag ng National Union of Students of the Philippines na hindi kaya ng lahat ng estudyante na magkaroon ng insurance kaya't nanawagan sila sa pamahalaan na pondohan na lamang ito.
Rommel Tabbad