Pinagwi-withdraw ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso si Vice President Leni Robredo sa pagkapangulo dahil hindi raw epektibo ang ginagawa nito laban kay Marcos Jr.

Sinabi ni Domagoso na patuloy raw kine-claim ng kampo ni Robredo ang tungkol sa "supreme sacrifice." 

"Kung meron mang supreme sacrifice. 'Yung number 2, should do and start initiating the supreme sacrifice. Let Leni withdraw. Withdraw Leni. If you love your country," aniya.

Binigyang-diin ni Domagoso na tumakbo lamang daw si Robredo para lang talaga labanan si Marcos at hindi dahil may i-offer siya sa mga tao.

National

‘Naka-red alert!’ PSC, dinoble seguridad ni PBBM matapos ‘assassination threat’ ni VP Sara

"Kasi sila ang laban lang naman nila, laban lang kay Marcos. 'Diba sinabi naman niya yan na kaya siya tumakbo gusto lang niya labanan si Marcos," dagdag pa niya.

Ayon pa sa alkalde, kaya sila tumakbo nina Lacson, Pacquiao, at Gonzales ay dahil may i-aalay sila para sa mga Pilipino.

"VP Leni said so many times. Many many times. And the yellows said so many many times, 'no to Marcos' 'never again' so it's always about the Marcos it's not about you," pagdidiin pa ni Marcos.

"Hindi naging effective yung laban nila kasi nga personal. Gantihan lang. Away lang. I'm calling Leni to withdraw kasi whatever you are doing is not effective against the Marcos. Withdraw, come and join us," anang alkalde.

Samantala, nauna na ring sinabi ni Domagoso na sinabi sa kanya ni Robredo na hindi siya tatakbong pangulo.

“I would like to re-enforce the statement of Senator Ping. Yes I was fooled also. In my face with the vice president. She said so many times, one thousand times, with all exaggeration. That she will never run for president,” aniya

“She said it to me, maybe to Senador Ping. But to the general public you ask GMA-7 they have so many document interviews that she will never run. So we [were] made to believe to unite, but we were fooled literally in our face so that kind of person cannot be trusted,” dagdag pa niya.

“Kung ganun pa lang may masama nang intensyon from the beginning, hindi talaga puwede pagkatiwalaan,” patutsada pa ni Domagoso.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/04/17/domagoso-she-said-that-she-will-never-run-for-president-that-kind-of-person-cannot-be-trusted/