Hindi umano mabisa ang Ivermectin laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon sa pahayag ng isang infectious disease specialist sa bansa.

Pinagbatayan ni Dr. Rontgene Solante ang isinagawang pag-aaral sa Malaysia na isinapubliko nitong Pebrero 18.

"The conclusion was really important 'no, it significantly tells us that ivermectin doesn’t work and is not effective in the prevention of severe infection or severe COVID among those who will be getting this treatment," paliwanag ni Solante sa isang television interview.

Noong nakaraang taon ay binigyan ng Food and Drug Administration (FDA) ng compassionate special permit (CSP) ang ilang ospital para sa paggamit ng Ivermectin sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang hakbang ng FDA ay kinontra ngPhilippine Society for Microbiology and Infectious Diseases matapos isapubliko na huwag nang gamitin ang gamot sa mga pasyenteng may mild to moderate COVID-19.

Pinayuhan naman ni Solante ang FDA na pag-aralan muli ang mga datos na may kinalaman sa gamot.

"Kaya binigyan pa rin siya ng CSP kasi, wala pa tayong masyadong malawak na data on that.That should be revoked because of that data, and I think it’s up to FDA to revisit the data and inform the evaluation, and give a recommendation again," mungkahi nito.

Babala pa ni Solante, maaaring makadagdag ng side effects ang pag-inom ng nabanggit na gamot na hindi epektibo laban sa sait.

"Ang gamot talaga sa COVID ay 'yong molnupiravir na may [emergency use authority] which can be used within 5 days 'pag mayroon ka nang sintomas ng COVID-19 disease," hirit naman ni Department ofHealth Undersecretary Myrna Cabotaje.