Sisimulan ng Makati City prosecutor's office sa Lunes, Pebrero 7, ang preliminary investigation laban kay Gwyneth Anne Chua na nakilala sa online bilang "Poblacion Girl" dahil sa paglabag ng quarantine protocols pagkarating mula sa United States.

“Per OCP (Office of the City Prosecutor) Makati, Feb. 07 and 14 at 10 a.m. ang sched (The OCP said the schedule of the preliminary investigation is on Feb. 7 and 14),”  ani Assistant State Prosecutor Honey Rose E. Delgado, spokesperson ng Department of Justice (DOJ) Office of the Prosecutor General (OPG).

Isasagawa ang preliminary investigation batay sa reklamong inihain ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) noong Pebrero 1.

Bukod kay Chua, walong iba pang mga tao ang kinilala bilang respondents sa reklamo, kabilang ang kaniyang mga magulang, isang kasama, at ilang staff members ng hotel na kung saan siya dapat mag-quarantine.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Siyam na respondents ang inakusahan ng mga paglabag sa Republic Act No. 11332, ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Naging viral si Chua matapos matuklasan na dumalo siya sa isang party sa isang hotel sa Poblacion area ng Makati City sa halip na mag-quarantine pagkarating niya mula sa United States noong Disyembre 22.

Kalaunan, napag-alaman na ilang tao sa party ang nahawaan ng sakit na coronavirus (COVID-19)

Jeffery Damicog