Hindi nakadalo si presidential aspirant at dating senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa ginanap na KBP presidential candidates forum ngayong Biyernes dahil sa shooting ng one-on-one interview ng Rated Korina.

Kumakalat ngayon sa social media ang screenshot ng Instagram Story ng Aktor at Direktor na si David Chua na kung saan makikita ang paghihiwa ni BBM ng mga sangkap para sa kanilang pagluluto umano ni Korina Sanchez.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Makikita rin sa Instagram story nito na kapanayamni Korina si BBM para sa special segment ng Rated Korina na "Ang Upuan ng Katotohanan."

Sa panayam ni KBP President Herman Basbaño sa ANC noong Pebrero 2, sinabi niyang una nang tinanggihan ng kampo ni Marcos Jr. ang kanilang imbitasyon sa pamamagitan ng isang sulat noong Enero 19 na nagsasabing hindi pa "clear" umano ang iskedyul ni Marcos Jr.

Ayon din kay Basbaño, nagpadala ulit sila ng imbitasyon ngunit wala na silang natanggap na tugon.

Nitong Huwebes, Pebrero 3, sinabi ng kampo ni Marcos na hindi makadadalo si BBM sa KBP forum dahil sa "conflict of schedule."

Basahin:https://balita.net.ph/2022/02/03/bbm-tumangging-dumalo-sa-presidential-forum-marcosduwag-babackoutmuli-trending-sa-twitter/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/02/03/bbm-tumangging-dumalo-sa-presidential-forum-marcosduwag-babackoutmuli-trending-sa-twitter/

Samantala, nag-post sa Instagram si Korina Sanchez tungkol sa mga sample question na kanyang itinanong kay BBM at ibinahagi rin niyang nagluto sila ng pinakbet at bagnet Ilocos style.

Ayon din kay Korina, ang team ni BBM ang pumili ng oras at petsa ng interview kaya't wala umano silang choice.

"To be clear: When we invited BBM it was his team who chose the time and date. We had no choice," aniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/04/korina-sanchez-sa-schedule-ng-bbm-interview-we-had-no-choice/

Tampok din sa "Ang Upuan ng Katotohanan" sina Senador Ping Lacson, dating Senador Bongbong Marcos, Manila Mayor Isko Moreno, Senador Manny Pacquiao, at Vice President Leni Robredo. 

Nakatakda itong ipalabas sa Pebrero 5. Mapapanood ito sa A2Z Channel 11 (5PM), TV5 (7:30PM), at Kapamilya Channel (10:30PM). Sa Pebrero 6 naman, mapapanood ito sa OnePH (7PM).