Halos P400-million grant na inilaan para sa pagbili ng cold chain transport at kagamitan para sa vaccination program ang ibibigay ng gobyerno ng Japan sa Pilipinas.

Ayon kay Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko, ang kasunduan sa pagitan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) at ng Department of Health (DOH) ay ginanap noong Enero 28.

Ito ay upang gawing pormal ang grant na tulong ng 885 milyong yen ng Japan bilang bahagi ng suporta nito sa mga pagsisikap sa pagbangon ng bansa mula sa sakit na coronavirus (COVID-19).

Sinabi ng ambassador na ang grant ay magbibigay ng cold chain transport at equipment sa buong Pilipinas.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Binubuo ito ng higit sa 70 refrigerated at service truck units, 1,000 transport boxes para sa mga bakuna, ice pack freezer, thermometer, at iba pang kagamitan na ipapakalat sa buong bansa katuwang ang DOH.

“Therefore, the cold chain systems for vaccines are incredibly significant for guaranteeing vaccines’ safe and efficient delivery to strategic areas across the country while retaining their efficacy. The recent rise of COVID-19 cases in various regions nationwide has made vaccines more urgent and imperative to reach all these areas,” aniya.

Binigyang-diin ng Japanese envoy na ang grant ng Japan ay magkakaroon ng mahalagang papel sa paghahatid ng mga live-saving vaccines.

Tiniyak pa ni Koshikawa na hindi nag-iisa ang Pilipinas sa paglaban nito sa COVID-19, na binanggit ang matatag na desisyon ng Gobyerno ng Japan na makipagtulungan sa bansa.

“The fight against the pandemic continues until it is subdued. No country can surpass this public health challenge alone, but with Japan by your side to face it together, we will all emerge stronger and better,” pagtatapos niya habang inihaayag ang kanyang taos-pusong pagpapahalaga sa buong health workforce.

Nagbigay ang Japan ng komprehensibong suporta sa Pilipinas mula nang magsimula ang pandemya ng COVID-19, kabilang ang mahigit 3 milyong donasyon ng bakuna, grant aid para sa pagbili ng mga kagamitang medikal at pagtatatag ng mga laboratory surveillance site, teknikal na tulong para sa cold chain development, probisyon ng Avigan tablets para sa COVID-19 treatment, pati na rin ang big-ticket yen na tulong sa pautang sa pamamagitan ng COVID-19 Crisis Response Emergency Support Loan (CCRESL) at ang Post-Disaster Standby Loan Phase 2 (PDSL 2).

Betheena Unite