Hayag na hayag na nga sa publiko na si Julius Babao na nga ang siyang papalit kay senatorial aspirant Raffy Tulfo sa flagship newscast ng Kapatid Network na 'Frontline Pilipinas' kasama ang dati ring ABS-CBN news anchor na si Cheryl Cosim.

Bagama't maayos naman ang pa-farewell speeches niya sa mga show sa Kapamilya Network, hindi pa rin talaga malinaw kung bakit pinili ni Julius na iwanan ang home network na naging tahanan niya sa loob ng 28 taon, na sabi nga niya ay malaki ang naging tulong sa kaniya upang mahulma siya bilang isang award-winning journalist, nagbigay sa kaniya ng pangalan, at syempre, doon din niya nakilala ang misis na si Christine Bersola-Babao na dati ring kasamahan sa ABS-CBN.

"Sa Feb.7 na! Kita kits mga Kapatid sa Frontline Pilipinas sa TV5!" caption ni Julius sa isa sa mga Instagram post niya, matapos ma-delay ang kaniyang pag-appear sa FP dahil sa pagsunod sa health protocols.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Julius Babao (Screengrab mula sa IG)

Sa isang panayam na isinagawa ng isang pahayagan, pinabulaanan ni Julius na ang dahilan ng paglipat niya ay dahil sa misis na si Christine Bersola-Babao. Aniya, naramdaman daw niya na may nais pa siyang gawin bilang isang journalist. Nais niyang subukin at palawakin pa ang kaniyang mundo.

Isa pa, nami-miss na rin umano niya na mapakinggan at mapanood sa mga lalawigan, dahil malakas umano ang TV5 sa mga nabanggit na lugar. Simula kasi nang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN, nawala na rin sila sa radyo at free TV.

Talagang pinagdasal umano nila at pinag-rosaryo pa ang malaking career move na ito, hanggang isang araw ay nakuha na nga niya ang senyales na hinahanap niya. Matapos ang ilang buwan ay nakatanggap umano siya ng text message mula sa boss ng news department ng TV5 na si Luchi Cruz-Valdes, at muli siyang tinanong kung interesado pa siyang sumali sa pool of journalists ng Kapatid Network.

Tiyak na reunion ito sa mga dating kasamahan sa ABS-CBN na lumipat na sa TV5, bukod kina Cheryl at Christine, gaya nina Ted Failon, DJ Chacha, Gretchen Ho, at Korina Sanchez-Roxas.

Wala naman siyang masasabing masama laban sa Kapamilya Network; sa katunayan, tumatanaw siya ng malaking utang na loob at pasasalamat sa network na nagbigay sa kaniya ng mga oportunidad at mahasa pa ang kaniyang talento, lalo na sa investigative journalism.

Naging maganda naman ang reaksyon at komento ng mga netizen sa hakbang na ito ni Julius, lalo na sa mga certified Kapamilya. May maganda kasing relasyon ang ABS-CBN at TV5 dahil karamihan sa mga shows ng Kapamilya ay napapanood sa Kapatid, dahil sa blocktime agreement. Ang 'Rated Korina' naman na nakabase sa TV5 ay napapanood din sa Kapamilya Channel at A2Z Channel 11.

Malaya ring nakakahiram ng mga artista mula sa ABS ang TV5. Sabi nga, ang 'Kapatid' ay 'Kapamilya' rin. Para lamang daw nangapit-bahay si Julius. Mas tanggap ng mga tagahanga ang paglipat ng isang Kapamilya patungong Kapatid kaysa Kapamilya patungong Kapuso.

"God bless you more Julius in this new chapter of your life!"

"Congratulations on your new gig over at TV5! Wish you the very best there."

"God bless you on your new journey, Life sometimes brings you at the end of the road so that you embark on a new adventure, this time the meaning of which brings much more fulfillment and joy."

Julius Babao (Screengrab mula sa IG)

"More power Sir Juluis, looking forward to see you in primetime news!"