May 22, 2026

Home BALITA Politics

'A continuing crime!' Sen. Lacson, may pahaging sa banta ng kudeta sa liderato ng Senado

'A continuing crime!' Sen. Lacson, may pahaging sa banta ng kudeta sa liderato ng Senado

Ipinagdikdikan ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson na matagal na umanong krimen sa Senado ang mga banta ng kudeta sa liderato ng nasabing institusyon.

Sa pamamagitan ng X post nitong Lunes, Pebrero 2, 2026, iginiit ni Lacson na matagal ng umiiral na krimen sa banta sa senate leadership, partikular na sa Senate Presidency.

"An emerging threat to the senate leadership? Let's put it this way-like rebellion, the threat against the senate presidency is a continuing crime since time immemorial," ani Lacson.

Matatandaang muling umugong ang kudeta sa liderato ng Senado bunsod umano ng bali-balitang nakatakda silang magpalit ng committee chairmanship kung saan nagbabadyang palitan ni Sen. Erwin Tulfo si Sen. Imee Marcos bilang chairperson ng foreign relations committee.

Sinasabing may kinalaman din umano ang kawalang kumpiyansa ng ilang senador sa kasalukuyang pamumuno ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III.

Politics

Sen. Loren, niligwak na rin ng Kislap Diwa na pinangangasiwaan niya!

Nitong nakaraang taon, isinawalang-bahala na rin ni Lacson ang kaparehong ulat at inilarawan ito bilang “old rehashed psywar tactic."