Pormal nang isinapubliko ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes, Enero 25 ang mukha o itsura ng balota para sa May 2022 polls.

Base sa template, mayroong 10 presidential aspirants, siyam sa bise presidente, 64 sa senador, at 178 sa party-list.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Kabilang sa 10 presidential bets ay sinaErnie Abella, Leody de Guzman, Isko Moreno Domagoso, Norberto Gonzales, Ping Lacson, Faisal Mangondato, Bongbong Marcos, Jose Montemayor, Manny Pacquiao at Leni Robredo.

Habang sa siyam na bise presidente ay sinaLito Atienza, Walden Bello, Rizalito David, Sara Duterte, Manny Lopez, Willie Ong, Kiko Pangilinan, Carlos Serapio, at Vicente Tito Sotto.

Ilan sa mga senatorial aspirants naman ay sinaJojo Binay, Alan Peter Cayetano, Neri Colmenares, Leila de Lima, Chel Diokno, Chiz Escudero, Win Gatchalian, Dick Gordon, Risa Hontiveros, Antonio Trillanes IV, Raffy Tulfo, Joel Villanueva, Mark Villar, at Migz Zubiri.

Kabilang sa party-list ayAko OFW, Magdalo, PBA, Butil, Gabriela, Diwa, BTS, Act Teachers, TUCP, at CIBAC.

Inilabas ang balota ilang araw matapos simula ng poll body ang pag-imprenta ng opisyal na balota sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City.

Tinatarget ng Comelec na matapos ang pag-iimprenta ng mga opisyal na balota sa Abril 21.

Nakatakdang mag-imprenta ng mahigit 67 milyong balota ang poll body para sa May 2022 elections.

Leslie Ann Aquino