Itinaas na ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa pinahigpit pa na Alert Level 4 ang apat na lalawigan sa Luzon at Visayas habag 15 pang lugar ang isinailalim naman sa Alert Level 3 simula Biyernes, Enero 21 hanggang Enero 31.
Inanunsyo ni Cabinet Secretary at acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, abilang sa mga nasabing lugar ang Kalinga, Ifugao, Mountain Province at Northern Samar.
Isinailalim naman sa Alert Level 3 ang mga sumusunod na lugar:
- Apayao
- Puerto Princesa City
- Masbate
- Siquijor
- Zamboanga del Norte
- Zamboanga Sibugay
- Lanao del Norte
- Davao de Oro
- Davao Oriental
- North Cotabato
- Sarangani
- Sultan Kudarat
- Surigao del Norte
- Maguindanao
- Basilan
Ang hakbang ng IATF ay isinagawa sa gitna ng patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ngcoronavirus disease (COVID-19) sa bansa na pinalala pa ng Omicron variant.
Nitong Huwebes, naitala ng Pilipinas ang bagong 31,173 na kaso ng COVID-19 kaya lumobo na sa 3,324,478 ang kabuuang bilang ng kaso nito sa bansa.
Argyll Geducos