Inumpisahan na ang pag-iimprenta ng mga balota para sa 2022 National elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Ito ang kinumpirma ni Comelec spokesperson James Jimenez nitong Huwebes ng gabi, at sinabing unang iimprentaang 60,000 na balota na para sa Local Absentee Voting (LAV).
“Printing of official Local Absentee Voting ballots will begin tonight (approximately 7 p.m.) at the National Printing Office (in Quezon City),” pahayag ni Jimenez nitong Enero 20.
Ang isusunod na iimprentang mga balota ay nasa 79,000 manual ballots para sa oversearvoters at pagkatapos ay isusunod ang aabot sa 86,000 balota na para naman saBangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
“LAV, manual OFOV (Office for Overseas Voting), and BARMM ballots are all manual ballots, i.e., no preprinted candidate names,” anang opisyal.
Inaasahan ng Comelec na makapaglimbag ng 67 milyong balota.
PNA