Umakyat na sa 64 na barangay sa Pasay City ang isinailalim sa granular lockdown dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kinumpirma ng Pasay City government na nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng COVID-19 active cases ang Brgy. 183 dahil sa 232 na nahawaan, 133 naman ang tinamaan sa Brgy. 201 habang 40 naman sa iba pang lugar.
Kabilang sa ini-lockdown ang Brgy. 1, 2 , 7, 14, 21, 23, 26, 32, 36, 38, 41, 43, 44, 45, 46, 58, 61, 63, 64, 65, 66, 67, 74, 75, 76, 94, 100, 108, 110, 111, 113, 115, 122, 123, 127, 130, 133, 135, 136, 137, 144, 145, 147, 148, 154, 156, 157, 166, 169, 171, 172, 173, 182, 183 184, 185, 188, 189, 190, 191, 192, 193, 194, 197, at 201.
Habang isinasailalim sa lockdown ang mga nabanggit na lugar, ang mga hindi bakunado ay dapat manatili sa kanilang bahay, payayagan lang silang lumabas kung essential ang kanilang lakad, katulad ng pagbili ng pagkain o gamot, may medical appointments, magpapabakuna, may passport appointments o iba pang appointments para sa serbisyo ng pamahalaan.
Papayagan din silang lumabas ng bahay kung kailangan sila sa trabaho sa alinman sa mga pinahintulutang hanapbuhay o industriya, na nakasaad sa kanilang work ID o employer's certificate.
Habang ang fully-vaccinated persons, anuman ang kanilang edad, ay maaaring lumabas ng bahay kahit para sa non-essential na dahilan tulad ng dining, shopping at panonood ng sine at kinakailangan lamang magpakita ng vaccination card at valid ID bago pumasok sa kaukulang establisimyento, o anumang oras na hanapin ito ng mga awtoridad.
Bella Gamotea