Hindi pinalagpas ni ABS-CBN news anchor Karen Davila ang isang netizen na nagbitiw ng komento na kaya umano siya nagkaroon ng COVID-19 ay dahil sa kakagala o travel niya kasama ang pamilya.

Sa screengrab na ibinahagi ni Karen sa kaniyang Instagram story, makikitang pinasalamatan ni Karen ang isang news outlet sa pagbabahagi ng balita hinggil sa kaniyang sitwasyon. Sa ibaba nito ay nagkomento na ang isang netizen.

"All she does is travel and go out with her family to Boracay," komento ng naturang netizen.

Agad namang tumugon si Karen dito at sinupalpal ang basher.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"'All she does?' I've been a full-time working mother all my life. Don't you dare make mothers feel guilty for wanting a vacation, and wanting to spend time with their kids. Get a life man!" saad ni Karen sa sinunog na netizen. Tinawag pa niya itong 'chauvinistic' at 'misogynistic.'

Screengrab mula sa IG/Karen davila

Nitong Enero 7 ay ibinahagi ni Karen sa kaniyang Instagram na may COVID-19 ang kaniyang buong pamilya, kaya hindi siya napapanood ngayon sa TV Patrol, at hindi siya nakasama sa launching ng flagship newscast ng Kapamilya Network sa A2Z Channel 11.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/08/karen-davila-bakit-wala-sa-tv-patrol-may-testimonya-sa-covid-19-vaccines/">https://balita.net.ph/2022/01/08/karen-davila-bakit-wala-sa-tv-patrol-may-testimonya-sa-covid-19-vaccines/

"First Work Week of 2022. WFH for #ANCHeadstart. Many of you have asked why I wasn’t on TV Patrol for our free TV @a2zchannel11 launch," aniya sa kaniyang Instagram post.

"Five days ago, our family tested POSITIVE for COVID19. Our 14 yr old son Lucas first tested positive on antigen and we immediately took an RT PCR test as a family."

"Praise God our symptoms are MILD and I believe that is because we have all been vaccinated & 2 have us have had booster shots."

"Lucas completed his vaccinations last October. David & I had booster shots last Dec 18. My husband DJ is fully vaccinated & has yet to take his booster shots."

"Our kids had fever, a scratchy throat, coughing. I experienced fatigue & a lump in my throat. Thank God we are all recovering very well! Thank you @lifecoreph for your effective protocol."

"I am extremely grateful that while taking care of the kids, I was still able to do #ANCHeadstart in the mornings. I have learned to treasure this quiet time at home for prayer, healing & resting. Praise God for being with us every step of the way. We love you Lord."

Kaya naman, hinikayat niya ang lahat na magpabakuna dahil epektibo ito. Mild symptoms lamang ang naranasan nila.

"GUYS. The vaccines work! We are living proof. Get your shots. Get your boosters NOW. Do this out of love for yourself & your family this 2022."

Makikita naman sa mga previous Instagram posts ni Karen na nagtungo sila sa Boracay ng kaniyang buong pamilya at doon nila sinalubong ang Bagong Taon.

Isa sa mga IG posts ay makikitang kasama niya ang ilang mga kaibigan, kabilang ang aktres na si Iza Calzado at ang beauty queen-turned-actress na si Kylie Verzosa.