Inanunsyo ni Quezon City Vice Mayor Gian Sotto nitong Huwebes, Enero 6, na siya ay positibo sa COVID-19.

Sa kanyang official Facebook page, sinabi ni Sotto na siya at ang kanyang pamilya ay positibo sa sakit at nakararanas ng mga sintomas kagaya ng ubo, lagnat, at pananakit ng katawan.

Sumasailalim si Sotto at ang kanyang pamilya sa home quarantine mula pa noong Lunes, Enero 3.

Ang kanilang mga close contact ay pina-isolate at itinest.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pinayuhan din ang ilang miyembro ng staff ni Sotto na mag-isolate sa kanilang mga bahay.

Samantala, patuloy pa rin na maglilingkod sa tao ang vice mayor's office sa kabila ng limitasyon.