Hiwalay na nga sina Kris Aquino at Mel Sarmiento, ayon sa latest update ni Kris sa kaniyang social medial accounts.
"For once, hindi mahaba ang caption. Lahat po klaro, nasa carousel of artcards, pics, and screenshots na. #truth #faith #peaceofmind #peaceinmyheart," saad ni Kris sa kaniyang Instagram post nitong Enero 3, 2022 ng gabi.
Matatandaang nitong Enero 2 rin ng gabi ay naunang lumabas sa Balita Online na napansin ng mga netizen na burado na ang mga litrato at video ni Mel sa kaniyang social media accounts.
"I want to spare myself and my loved ones from further rumors and speculations. My health has continued to deteriorate and I will soon fly abroad for further diagnostic tests and if needed, do all the treatments and procedures to help my drastic weight loss," paliwanag ni Kris.


Ayon kay Kris, ang dahilan ng kanilang hiwalayan ni Mel ay ang mismong kalaban ng lahat ngayon---ang COVID-19. Ibinahagi niya ang screengrab ng text message sa kaniya ng dating fiance.
"I will just post screenshots of Mel's last text message to me. After that you will never read nor hear anything at all about him from me, because I still want to preserve whatever dignity I have left," aniya.
Humihingi naman ng paggalang at pag-unawa si Kris sa publiko.
Samantala, mababasa naman sa mahabang mensahe ni Mel ang dahilan kung bakit pinili na lamang niyang ihinto ang relasyon nila ni Kris. Aniya, dahil nasa mall umano siya upang gawin ang kaniyang mga errands ay nag-aalala na siyang lumapit sa fiancee, lalo nga't may auto immune ito at kabilin-bilinan ng pinsan ni Kris na isang doktor na bawal na bawal magka-COVID-19 ang TV host.


Hindi umano kakayanin ng konsensya ni Mel kung may mangyayaring hindi maganda o mas magpapalala sa kalagayang pangkalusugan ni Kris kung patuloy ang paglapit niya rito. Mahihinuhang si Kris ang nagmungkahing tapusin na ang kanilang relasyon batay sa pahayag ni Mel na 'On that note, with a heavy heart, I accepted your offer of letting me go.'
"I will cherish in my heart the happy moments we had together. I do love you, but I guess this is goodbye for your life is of greatest importance given that you have Bimby and Josh to take care of."
"You will be forever be in my heart," saad pa ni Mel.

Ibinahagi rin ni Kris ang ilan sa mga litrato niya habang sinusuri ng mga doktor. Kitang-kita nga ang pagbagsak ng kaniyang katawan, na maging ang ilang mga showbiz personality gaya ni Manay Lolit Solis ay napansin na rin.





Huling post ni Kris hinggil kay Mel ay nang pasalamatan niya ito dahil naging matimpi ito sa kaniya kahit nagsusungit na siya, dala marahil ng pagod at sama ng pakiramdam.
“Thank you babe, dahil tiniis mo na lang ‘yung pagsusungit ko sa ‘yo dahil frustrated, walang tulog, at pagod na ko. Di ka pumatol, you were proud na excited ‘yung mga tao na pinuntahan ko sila,” aniya.
BASAHIN:https://balita.net.ph/2021/12/26/hindi-kailangan-nasa-posisyon-at-maging-kandidato-para-tumulong-sa-kapwa-pilipino-kris-aquino/
Sa kasagsagan nito ay naglabas din ng art cards si Kris na nagtatanggol at naglalahad ng mga nagawa o ambag ng kaniyang kuyang si dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III o PNoy, sa panahon ng panunungkulan nito. Aniya, tinulungan umano siya ni Mel sa paggawa nito lalo’t facts at dates ang inilalahad nila.
Nawawala na rin ang pahayag na ‘Thank you babe for being my strength, and because makulit talaga ako sa facts, for making sure na tama lahat ng dates & figures na nilabas natin.’ saad pa ni Kris.
Samantala, wala pang pahayag si Mel Sarmiento tungkol dito.