Kasunod ng pagpupulong sa pagitan ng Department of Education at Metro Manila mayors nitong Linggo, Enero 2, suspendido ang face to face classes sa mga paaralan sa Metro Manila simula sa Enero 3.

Ito ang kinumpirma ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na ang suspensyon ng face-to-face classes ay awtomatiko dahil ang Metro Manila ay sumasailalim sa mas istriktong alert status na Alert Level 3 simula sa Lunes hanggang Enero 15 bunsod ng pagtaas ng COVID-19 cases at naitalang mga kaso ng Omicron variant.

Parehong umapela ang mga alkalde sa Metro Manila at mga opisyal ng DepEd sa mga magulang na siguraduhin na ang kanilang mga anak ay manatili sa loob ng kanilang bahay para sa kanilang kaligtasan laban sa banta ng pagtaas ng mga impeksyon.

Bella Gamotea

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho