Lubos ang galak ng isang estudyante na si Marco Jones Sagun, mula sa Bolinao, Pangasinan, nang matanggap nito ang balita na nakapasa siya sa Bentley University sa Waltham, Massachusetts bilang Presidential Scholar.
Ngunit aniya, may balakid siyang kinakaharap sa ngayon dahil isa siyang anak ng mangingisda, kulang ang kinikita ng kanyang mga magulang para suportahan siya sa kanyang pagiging iskolar.
"Isa po itong biyayang mula sa Dios, subalit bago pa man po malasap ang tugatog ng tagumpay, isang balakid na po ang kumaharap sa akin. Sa ngayon po ay ay kinakayod ko po ang makalikom ng $1000 o PhP50,000 para makapagkumpirma ng puwesto sa eskuwelahan," ani Sagun.
Kaugnay dito, humihingi ng tulong pinansyal sa publiko si Sagun dahil kinakailan niyang makalikom ng $1ooo o aabot sa P50,000 upang makapag-kumpirma ng pwesto na sa nasabing paaralan.
"Ito po ay para sa confirmation ko po ng slot at sa dormitory po na tutuluyan ko. Bilang anak po ng mangingisda at tindera ng isda sa palengke, hindi po namin kakayanin ang ganito kalaking halaga," ano Sagun sa kanyang Facebook post.
Dagdag pa niya, alanganin ang dating ng financial assistance na ibibigay sa kanya galing U.S. dahil kinakailangan na niya ibigay ang kaukulang pera sa darating na Enero 20, 2022.
Sa mga nagnanais tumulong kay Sagun, maaaring magpadala ng tulong pinansiyal sa mga sumusunod:
Landbank: 0407135156
Name: Marco Jones Sagun
Gcash: 09387543781
Name: John Michael Sagun
BPI: 8919152401
Name: John Michael Sagun