Hiniling ni Pangulong Duterte sa mga local chief executive na sinalanta ng Bagyong Odette na bigyan pa ang gobyerno ng dagdag na panahon sa pagbuo nito ng pondo habang ipinaliwang niya muli na karamihan sa mga pinansya ng bansa ay napunta sa pagsugpo laban sa COVID-19.

Ito ang pahayag ni Duterte habang nangako siya ng P2 bilyong para tugunan ang mga biktima ng bagyo na nagdulot ng matinding pinsala sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao nitong nakaraang linggo.

Sa isang situation briefing sa Maasin City, Leyte noong Sabado, humingi ng pang-unawa ang Pangulo dahil kakailanganin pa ng gobyerno ng dagdag na panahon para makapaglabas ng pondo.

Sinabi nito na nagpatawag na siya para sa isang pulong upang malutas ang suliranin.

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

“The important thing is — let’s not talk about how long the help will arrive. Give us a little bit of time because the year is about to end, the budget, and a big chunk of our funds was spent on COVID,” ani Duterte.

“There’s no limit even until now for as long as the people need it. So that’s what we’re going to work on tomorrow. I called for a meeting with the Budget team today. I already met with a few of my Cabinet members last night,” dagdag niya.

Ipinaliwanag ni Duterte sa mga local leader na magtatagal ito dahil sa dami ng papeles na kailangan nilang gawin.

“Just give us a bit more time because there’s a lot of paperwork in government. For every move you make, there’s a layer of papers that… Government works that way,’ sabi ni Duterte.

"And if you try to rush things, you may face deeper problems. That’s the problem because we can’t release the budget immediately,” dagdag niya.

Ayon sa Pangulo, kakailanganin niyang bawasan ang budget ng lahat ng available appropriations, lalo na ang mga hindi nagamit o mga proyektong hindi maayos ang takbo.

“I’ll just remove some funds from that. I’ll reduce the budget of others,” sabi ng Pangulo..

“But the projects that are a bit slow, those that haven’t achieved much in the last quarter, those should be reduced so the money can be used here,” dagdag niya.

Nitong Biyernes ng gabi, ibinunyag ni Pangulong Duterte na sinusubukan pa rin ng gobyerno na makalikom ng pera para matulungan ang mga apektado ng bagyo dahil karamihan sa pondo ng bansa ay napupunta sa mga hakbang sa pagtugon sa krisis ng COVID-19.

“We are trying to raise the money… Alam mo, depleted and budget natin,” pag-amin ng Pangulo.

“Naubos talaga ang pera natin. We prioritized the expenses,” dagdag niya.

Argyll Cyrus Geducos