Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang muling pagpapatupad ng number coding scheme sa National Capital Region (NCR) ngayong linggo.

Nangyari ito matapos pirmahan ng mga alkalde ng Metro Manila ang resolusyon na ibalik ang coding scheme na ipatutupad simula 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi mula Lunes hanggang Biyernes, maliban sa holidays.

Ayon sa MMDA, ilalabas ang resolusyon ng coding scheme sa oras na mapirmahan na ito ng 17 lokal na ehekutibo sa Metro Manila.

“I-implement po ang modified coding within this week. Need lang po ma-publish muna sa official gazette," anang MMDA.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Kamakailan, iminungkahi ni MMDA Chairman Benhur Abalos ang muling pagpapatupad ng number coding scheme, na nasuspendido dahil sa COVID-19 lockdown at suspensyon ng mass transportation, dahil sa kasalukuyang dami ng trapiko sa NCR na halos bumalik sa pre-pandemic level. Nasa 390,000 na sasakyan ang bumibyahe sa EDSA lamang araw-araw.

“Bakit hindi umaga? Kasi ang problema sa umaga, nagmamadali ‘yung mga tao pumasok, yun bang naghahabol ka," ani Abalos sa kanyang DZRH interview.

Joseph Pedrajas