Kasunod ng kanyang kaibigan at dating teammate na si Jean Marc Pingris, babalik din sa aktibong paglalaro mula sa maagang pagreretiro si Peter Jun Simon.

Muling maglalaro at magkakasama ang dalawa sa iisang koponan nang lumagda rin si Simon sa Nueva Ecija Rice Vanguards para sa darating na 2021 Chooks-to-Go Maharlika Pilipinas Basketball League Invitation Tournament.

Nakatakda na ang pagbabalik aksyon ng liga, sa pagkakataong ito bilang isa ng professional league sa SM Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay City saDisyembre 11-23.

Nagretiro noong Setyembre 2020 si Simon matapos ang 19 na taong paglalaro sa Philippine Basketball Association (PBA).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakuha na pang-43 overall noong 2001 draft naging 8-time champion at 8-time all-star si Simon na dalawang beses ding pinarangalan ng PBA Press Corps bilang Mr. Quality Minutes.

“I am very excited and this is long overdue because, to be honest, he was going to play for us in the season that was canceled due to the pandemic,”wika ni Nueva Ecija coach Charles Tiu.

“We kept it quiet for a long time. So now, I’m glad it will finally happen," dagdag pa nito.

Marivic Awitan