Upang malabanan ang dumaraming kaso ng panloloko, spam o phishing text messages, suportado ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang panukalang mandatory registration ng mga SIM cards.

Aminado si BSP Governor Benjamin Diokno, ang pagtaas ng kaso ng phishing at cyber-attacks ay hindi inaasahan.

Tumaas aniya ang nasabing kaso dahil sa dumarami na rin ang gumagamit ng mga digital payments and banking mula nang mag-umpisa ang pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Paliwanag ng BSP,naging problema sa bansa ang madaling makabili ng mga sim cards.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pinaalalahanan na lamang ng BSP nito ang mamamayan na protektahan na ang kanilang mga passwords at iwasan na lamang pumatol sa mga kahina-hinalang mga text messages.

Beth Camia