Pinaalalahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na sumunod pa rin sa ipinaiiral na health protocols sa gitna ng patuloy na pagbaba ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Salamat sa awa ng Diyos bumaba ang mga kaso. But we still follow health protocols being implemented by government if we really want to make headway,” paliwanag ng Pangulo sa isang pre-recorded public address nitong Martes ng gabi.

Dapat din aniyang samahan ng mahigpit na pagtalima sa ipinatutupad na health protocols ang awa ng Diyos dahil ito lamang ang paraan upang masugpo ang sakit.

Ganun ‘yan, ang awa ng Diyos kailangan sabayan mo ng pagsunod ng implementasyon saprotocolsng gobyerno kasi ang Diyos tingnan niya kung walang pagsunod ngprotocolsng gobyerno, alisin niya yung awa at maging kawawa tayo," anito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Malugod din ang naging pagtanggap nito sa kabuuang pagbaba ng COVID19 cases, lalo na sa Metro Manila.

“The Department of Health has reported a continuous decline in the number of active cases in the country. From more than 23,000 last Nov. 18 to only less than 19,000 today. Our tally of new Covid-19 cases on Nov. 18 was almost 1,300. But today, we only had 1,153 cases,” paliwanag pa ng punong ehekutibo.

Nitong Martes, Nobyembre 23, naiulat ng DOH na umabot na lamang sa 1,153 bagong kaso ng virus ang naitala sa bansa.