Tiniyak ni Presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., nitong Martes, Nob. 23, sa kanyang mga tagasuporta at sa mga Pilipino na siya ay kontra pa rin sa ilegal na droga.

Ginawa ang pahayag matapos sumailalim sa drug test si Marcos at nagsumite ng "negative" result sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa opisina ng Chief of the Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI).

Nagbigay rin siya ng pahayag tungkol sa blind item na mayroong presidential aspirant na gumagamit ng cocaine.

“I really don’t feel that I am the one being alluded to. In Spite of that, I believe it is my inherent duty as an aspiring public official to assure my fellow Filipinos that I am against illegal drugs,” ani Marcos.

National

Andas ng Jesus Nazareno, tinutulak na lang!

“This is why I took a cocaine test yesterday and the result was submitted this morning to the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), the office of the Chief of the PNP and the National Bureau of Investigation," dagdag pa niya.

“Let me reiterate my assurance to my fellowmen, especially to the supporters of BBM-Sara Uniteam, that I am, and will remain, a vigilant anti-illegal drugs campaigner!” paglalahad pa niya.

Inulit din ni dating Ilocos Norte governor ang panawagan niya noong 2016 national elections na ang lahat ng mga tatakbo sa elective positions ay dapat sumailalim sa drug test.

“And as I made the call during the 2016 election campaign, I’m calling again all elective aspirants to take the drug test to ensure our people, particularly the young generation, that no elected leader is into illegal substances.”