Isang drug supplier na tinaguriang high value individidual (HVI) ang nasamsaman ng ₱243,440 na halaga ng pinaghihinalaang shabu sa Taguig City nitong Nobyembre 17.

Kinilala ni Southern Police District chief, Brig. General Jimili Macaraeg ang suspek na si Allen Dilon Bozar, alyas “Tiffany,” 35, at taga-Taguig City.

Dakong 8:00 ng gabi, ikinasa ngmga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang anti-illegal drug operation sa A. Reyes St., Brgy. New Lower Bicutan na ikinaaresto ni Bozar.

Nakumpiska kay Bozar ang 35.8 gramo ng iligal na droga at marked money.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bella Gamotea