Hindi susuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kandidatura nina dating Senator Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Emmanuel "Mannny" Pacquiao sa 2022 national elections, gayunman,isasapubliko umano niya ang mga dahilan sa mga susunod na araw.

Ibbigayniya lamang aniya ang kanyang suporta sa kandidatura ng long-time aide nito na si Senator Christopher Lawrence 'Bong' Go na tatakbo sa pagka-pangulo.

Inilabas ni Duterte ang pahayag matapos iurong ni Go ang kandidatura nito sa pagka-bise presidente nitong Sabado, Nobyembre 13.

Sa panayam ng pro-Duterte vlogger na si Byron Cristobal, kilala bilang "Banat By" nitong Linggo, ipinaliwanag ng Pangulo na ibubunyag na lamang nito sa lalong madaling panahon ang mga rason niya sa hindi pagsuporta kina Marcos at Pacquiao.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Manghingi lang ako ng ilang oras lang. Malaman na nila kung sino ang umikot. Hindi ako nagpapaikot.I’m just asking for a few more hours at masasabi ko na kung ano ang talagang totoo. Sa kampanya, sabihin ko bakit hindi ako puwedengmagsuportakay Marcos. Ganoon din kay Pacquiao at sa iba," pahayag ng punong ehekutibo.

Ipinaliwanag ng Pangulo na susuportahan niya si Go na kilala na niya sa loob mahabang panahon na hindi ipinagmamalaki ang kanyang kakayahan.

Bukod dito, naging matapat din umano sa kanya si Go.

"Alam ko sa taon nanagserbisyosa akin, alam ko isang ano is talagang honest. Wala ka talagang makita tsaka masilip," sabi ng Pangulo.

Hindi rin umano siya nagpahayag ng suporta sa sinumang kandidato kahit kailanman, maliban lamang kay Go.

“Ni minsan wala kayong narinig na mag-Marcos ako. Wala, wala kayong narinig.Kailanman, hindi ako nagsalita na may susuportahan akov– si Marcos o si Pacquiao. Wala ‘yan sila. Kinakausap ko lang for respeto, eh gusto akong makausap,” idinagdag pa ni Duterte.

Argyll Geducos