Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa ilang kalsada sa Quezon City at Pasay City simula ngayong gabi, Biyernes, Nobyembre 12.

Sa inilabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dakong 11:00 ng gabi nitong Biyernes sisimulan ang pagkukumpuni saEDSA Quezon City bago mag-Anapolis Street hanggang sa bago mag-Boni Serrano flyover Northbound (2ndlane buhat sa center island); atEDSA Tramo Flyover sa Pasay City.

Bubuksan sa mga motorista ang mga apektadong kalsada sa Lunes, Nobyembre 15 sa ganap na 5:00 ng madaling araw.

Inaabisuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta papunta sa kanilang destinasyon.

Eleksyon

Ben Tulfo sa pagtakbo rin niya bilang senador: ‘This is another Tulfo’

Bella Gamotea