Nakakalungkot ang ibinahaging balita ng Kapamilya singer-actor na si Sam Milby sa kanyang Instagram. 

Ang larawang may kurot sa puso habang magkahawak kamay ng kanyang loving father na si Lloyd William Milby. Siya ay 87 taong gulang. Subalit hindi nabanggit kung ano ang ikinamatay nito.

Kalakip sa caption ang salitang "Rest in peace dad.... love you." 

Nagpaabot naman ng taos pusong pakikiramay ang mga showbiz friends, relatives, followers at mga netizens sa Instagram ng former Pinoy Big Brother housemate.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Matatandaang last year bumisita pa si Sam sa kanyang pamilya sa Ohio, USA na kanyang ibinahagi rin sa socmed.

Of course nandyan si Miss Universe 2018, Catriona Gray para sumuporta sa pinagdadaanan ng kanyang boyfriend. Sey niya, "Always standing with you in prayer."

Samantala nagbigay ng isang pagpupugay para sa kanilang yumaong mahal na ama ang kapatid ni Sam na si Ada sa kanyang Facebook. 

Wika niya, "A proud Cherokee man, Lloyd 'Little Eagle' served in the US Army and went on to own two businesses, L.W. Milby Inc. Exhibit Services, and Eagle Cloud Material Handling. He is also one of the founders of the Native American Business Alliance. In his free time, he loved riding dirt bikes, spending time with friends and family, taking care of all sorts of wildlife, and tinkering with anything he could get his hands on."

Naulila naman ng yumao ay ang kanyang loving wife na si Elsie, ang kanyang mga anak na sina Deborah, Brett, Kevin, Tina, Ada, at Sam; 8 apo at 8 apo sa tuhod