Hiniling ng isang kongresista na ipagpaliban ang December 5, 2022 Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections at idaos na lang ito sa Mayo 6, 2024.

"The country cannot have all new leaders in 2022, from the President of the Republic down to the last Sangguniang Kabataan official, as doing so will add more pressure to the efficient delivery of governmental services," ayon kay Davao Oriental Rep. Joel Almario.

Sa kanyang House Bill 10425, ang pagpapalawig ng termino ng kasalukuyang barangay at SK officials at ang inaasahang mga bagong mukha ng national at local officials pagkatapos ng eleksyon sa 2022 aymekanismo ng pagpapatuloy ng paglaban sa pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Pagdidiin ng mambabatas, bilang mga frontliners ay epektibo ang mga opisyal ng barangay sa pagbibigay ng serbisyo ng pamahalaan at isinalarawan din sila bilang "foot soldiers" ng ehekutibo at first line of defense ng pamahalaang lokal.

National

Guanzon, tinanong sino si Ben Tulfo: 'What has he done for the country?'