Kasalukuyang nasa #7 spot sa Youtube trending list sa Pilipinas ang live version ng kantang “Know Me” ng bandang 8 Ballin'.

Halos isang linggo lang matapos i-upload ng Wish 107.5 ang performance ng sikat na kantang “Know Me,” tumabo na ito ng halos nasa 1.6 million views sa pag-uulat.

Matatandang matapos i-release nitong Hunyo, naging laman ng tampulan ang 8 banda dahil sa hindi klarong pagbanggit sa lyrics ng ngayo'y sikat na kanta.

Naging viral ang banda sa social media dahil sa kakaiba ngang estilo ng kanta nila.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Tila nagbago naman ang ihip ng hangin nang marinig ng netizens ang “clear” live version ng kanta sa Wish bus.

Hindi kagaya dati, mas malinaw ang kanta dahilan para mas matanggap ng Pinoy listeners ang naturang kanta.

“Crystal clear biglaan yung lyrics. Ganda ng vibe,” komento ng nagngangalang Rizza Mae.

“At lumabas din ang totoong talento nila!” pahayag naman ni Raymund.

“Buti na lang hindi ko jinudge ito noong una kong napakinggan, now i can say astig ng walang halong kahipokrituhan,” sabi ng isang listener.

Bilib naman ang isang netizen sa “mumbling” ng lead rapper at vocalist na si “R!IS.”

R!S (Screengrab mula sa Youtube Channel ng Wish 107.5)

“Glad to see people actually recognize that the rapper doing the "mumbling" on the chorus is actually just a technique for the melodic vibe of the song. Big ups for him, the fact that he can do that style of voice even without any computer modifications is amazing tho,” ani ng nangngangalang Astrid sa comment section ng live act.

“Ris ain't playing around. He can really spit hard with or without layers of vocal modifications. Respect!” dagdag ng isa pang follower.

Ilan din ang nagpahayag ukol sa pagbabago ng opinyon sa kanta matapos marinig ang live version nito.

“So funny seeing everyone change their opinions bout this song a few months later,” sabi ng account na may pangalang Neon.

“Sheeeyt! Parang dati lg napapangitan ako sa kanta pero ngayon ang cool niya. Keep it up,” komento ng isa pang takapakinig.

Ang bandang 8 Ballin’ ay binubuo nina Harris “R!S” Reguy, Jimm “Ya’akov” Andres, JJ “Supboi K” Kais, Geo “Ego” Torzar, at Vincent “Pray” Dasalla.