Isang trending at pasabog na performance ang ipinamalas ni Kim Chiu sa kaniyang unang taon bilang host ng 'It's Showtime' sa pagsayaw niya ng Chinese instrumental song hanggang sa pagsayaw ng 'Wrecking Ball' ni Miley Cyrus habang may pa-rain shower effect noong Sabado, Oktubre 23.

Kaya naman, basang-basa si Kimmy matapos ang kaniyang performance.

Inamin ni Kim na hindi niya inakalang tatagal siya ng isang taon sa noontime show, ngunit nalagpasan niya ito at masaya siya na ngayon ay nakapagbibigay inspirasyon at saya pa rin siya sa Madlang Pipol.

"It's a roller coaster ride of emotions pero mahilig ako sa extreme rides. I'm here for the ride sa harap pa ako nakaupo. Ang daming nangyari. Hindi ko alam na aabot ako dito ng isang taon sa 'It's Showtime.' Ang daming balakid pero ito tayo nakangiti. Ganoon talaga kapag may pinagdadaanan, dadaanan lang. Kaya tuloy ang buhay, tuloy ang pagbibigay saya,"saad niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sinabi rin niya na marami siyang natutunan sa show at nagpapasalamat siya sa tsansang ibinigay ng bosses at hosts ng It's Showtime sa kaniya.

"Salamat, 'It's Showtime.' I've learned a lot. Every day is a learning experience. Every day may binibigay kayong chance sa akin dito sa 'It's Showtime' at dito sa entabladong ito. Ang gusto ko lang naman magpasaya at mag-inspire ng tao. May this show continue its purpose na magbigay ng saya at inspirasyon, tagumpay, and hope sa lahat ng madlang pipol na patuloy na nagbibigay support," pagbabahagi niya.

ADOR V. SALUTA